People always say that their blog is not just another blog. Well, I won't say the same about mine. This is just a typical blog. Here, I share stories – be it the story of my boring life or of a moment in time. I tell these stories in ways I know how – by words, pictures, artwork, or a combination of any of them. I hope you find them interesting, helpful, inspiring, or all of the above.
MAY CAMEO PALA SI OBLE SA AMERICAN PIE. Lels. :)))
Ba’t sila’y nag-iinumang masaya? Bakit sa lupa, magulo?
Hindi ko maintindihan kung bakit may mga taong nag-eenjoy sa panonood ng mga pelikulang nagpapakita ng mga eksena ng patayan. Nakakasama ng pakiramdam, lalo na kung iisipin mong nangyari/nangyayari talaga ito sa totoong buhay kaya talagang hindi ko maunawaan kung bakit tila ikinatutuwa pa ito ng ibang tao.
Ba’t sila’y nagtatawanang malakas? Tinatawanan lang tayo.
Kahapon, hindi ko talaga maiwasang maihambing ang aking napanood sa nangyayari sa ating lipunan ngayon. Napakaraming taong nagbubuwis ng buhay para ipaglaban ang tama at totoo, laban sa mga insensitibong higante ng ating lipunan. Nalulungkot talaga akong isipin na gaano man ito kaimportante para sa mga “maliliit na tao” gaya natin, tila wala naman itong halaga para sa mga higanteng ito.
Di kaya’t isang tropa lang sila? Ang Demonyo, si San Pedro at ang Diyos?
Minsan, naiisip ko na lang na kung laging ganito, wala na tayong pag-asa. Para kasing pinaglalaruan na lang tayo nitong mga higanteng ito. Nagiging piyesa na lamang ng kanilang laro ang mga buhay natin. Ang mahirap pa, hindi mo na alam kung sino ang kakampi mo, kung may kakampi ka pa ba.
Tinatawanan lang ni Hudas, ako’t ikaw, tayong lahat.
Nakaka-frustrate. Kaya siguro hindi ako nasisiyahan sa panonood ng mga ganoong pelikula. Hindi ko matiis yung pakiramdam kapag yung pinapanood mo, alam walang ibang paghuhugutan kundi yung mga tunay na pangyayari sa ating mga buhay (fantasy man ito o based on real-life events). Maaring tama, totoo, o makatotohanan; maari din namang hindi. Pero sa bandang huli, hindi ko lang talaga siguro matanggap na minsan, gaano man kapangit ng pelikulang yun sa paningin ko, may punto sila.
Reality slaps you in the face, ika nga. Para kasing ipinapakita sakin na kahit anong gawin nating mga maliliit na tao, hawak pa rin nga mga higante ang ating kapalaran. Sila ang nagkokontrol sa bawat galaw natin. Ang masama lang, hindi ata nila naiisip kung gaano karaming buhay ang naapektuhan nila. O baka wala lang talaga silang pakialam. Pinaglalaruan lang nila ako, ikaw, tayong lahat.
*Credits to Bamboo (band) for the song Hudas.
Wala lang. Nakita ko kasi itong post na ito. Actually, this post is long overdue. Ang tagal na nito sa drafts ko. Naisipan ko na rin lang ipost habang inaayos ko ang aking blog. Isa rin itong magandang explanation kung bakit Point and Shoot ang pangalan ng blog ko.
Wala kasi akong DSLR.
Bata pa lang ako ay nakitaan na ako ng pagkahilig sa arts. At sa unang camerang nahawakan ko (na isang film camera din, box type pa), doon pa lang ay nafeel ko na agad na mapapamahal ako sa photography.
Sa aking pagtanda, kasabay din nito yung pageevolve ng mga teknolohiya ng camera. Hanggang sa nagkolehiyo na ako, itong mga panahon na tila lahat ng tao may dslr na. Minsan napapaisip ako, “Bakit ba sila bumibili nun eh ni hindi naman sila marunong gumamit, naka-auto lang lagi..” Nakakalungkot. Minsan pa nga, nabanggit ko ito sa pinsan ko (na film major at very much into photography din) at itong mga sinabi nya yung tumatak sa isip ko:
Wag kang humanga sa mga taong may dslr. Madali lang gumamit nun. Humanga ka sa mga naka-film dahil doon mo makikita ang tunay na galing ng isang tao sa photography.
Mula noong araw na sinabi nya yun, hindi na ako nalungkot. Hindi ko naman sinasabing lahat ng naka-DSLR ay nagffeeling lang. Hindi ko din sinabing pag naka-film ay magaling na agad. Sobrang bitter ko naman kung ganun. Kasi noong araw na yun, nabawasan lang talaga ang frustration ko. Napatunayan ko sa sarili ko na hindi mo talaga kailangan ng dslr para makakuha ng magagandang larawan, nasa sa iyo yun. Nasa iyong mga kamay.
If there are words to describe how I felt that day, I probably won’t know which ones to pick. Angry? Pissed? Depressed? Frustrated? Upset? I really have no idea. One thing’s for sure – attending Greeneration: 2012 State of the Philippine Environment Forum is definitely an eye-opener.

Greeneration is an annual gathering of environmental advocates to discuss the urgent environmental problems of our time and the need to nurture a new greeneration of Filipinos who will protect our environment for the people, the nation, and the future. (From Center for Environmental Concerns Philippines)
I love how simple life can be in Marinduque.
I love how our beloved island is shaped like a heart and is (coincidentally? I think not) located where the heart should be, on the Philippine map (GOOGLE IT!).